Pilipinas pinag-iingat sa tropical wave ng JTWC

DAHIL sa posibleng ihatid ng magkakasunod na Tropical Wave sa Pacific Ocean, pinag-iingat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ang Pilipinas bunga ng mararanasang malalakas na pag-ulan sa bansa.

Batay sa report, tatlong layer ng makapal na kaulapan ang tatama sa ating bansa na posibleng maghatid ng higit sa normal na buhos ng ulan.

Gayunman, posible pa rin itong magbago dahil sa magkakaibang weather system na umiiral sa ating bansa.

Kaugnay nito ay sinabi naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Servise Administration (Pagasa) na patuloy na makararanas ng manaka-nakang pag-ulan ang malaking bahagi ng Northern at Central Luzon, kasama na ang Metro Manila, Bicol Region, Visayas at Mindanao dahil sa shallow low pressure area (SLPA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply