Pilipinas Shell pagpapaliwanagin sa oil price adjustment

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Energy (DOE) ang Pilipinas Shell at ang iba pang oil companies na nagpatupad ng oil price hike, na mas mataas kaysa sa formula ng ahensya.

Ayon kay Energy Undersecretary Jay Layug, base sa monitoring ng DOE, ang Petron lamang ang nagpatupad ng price adjustment na kadikit o malapit sa kanilang formula na P1.50 sa bawat litro ng gasolina at 20 sentimo na umento sa diesel.

Nagpatupad kaninang umaga ang Shell ng P 1.50 rollback sa kada litro ng unleaded gasoline, 80 sentimo umento sa bawat litro ng regular gasoline at nagtaas naman 45 sentimo kada litro ng diesel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply