Pinagtataguan ni Ramona Bautista, 3 pang suspek tukoy na

TUKOY na umano ng mga awtoridad ang pinagtataguan ni Ramona Revilla at tatlo pang mga suspek sa pamamaslang sa aktor na si Ramgen Revilla.

Sinabi ni Parañaque City police chief S/Supt. Billy Beltran, may ideya na umano ang pulisya kung saan nagtatago ang kapatid ni Ramgen na si Ramona at tatlong iba pa.

Gayunman, ani Beltran, hinihintay pa nila ang kautusan mula sa korte bago arestuhin ang mga nagtatagong suspek.

Bukod kay Ramona, kabilang sa pinaghahanap ay sina Glaiza Vista, Noreen Dela Cruz at isang nagngangalang Bryan.

Kaugnay nito, inamin ni Beltran na wala silang hawak na warrant of arrest laban kay Ramon Joseph “RJ” Bautista nang arestuhin nila ito kahapon (Nobyembre 1).

Ngunit idinepensa naman ni Beltran na matibay ang kanilang ebidensiya laban kay Bautista matapos na positibo itong ituro ng isang testigo bilang umano’y mastermind sa pagpatay kay Ramgen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply