Pilipinas kulelat sa broadband speed

KUMPARA sa ibang bansa sa Asya, malayong-malayo ang Pilipinas kung sa bilis ng broadband technology ang pag-uusapan dahil nasa ika-133 puwesto ang bansa sa may pinakamabilis ang internet speed sa buong mundo.

Sa ulat na nakalap ni Cayetano, umaabot lamang sa 1.73 Mbps ang broadband speed sa bansa taliwas sa ipinangangalandakan ng mga network provider na aabot mula sa 3 hanggang 5 Mbps ang bilis ng kanilang serbisyo.

Sa katabing bansa tulad ng South Korea, umaabot sa 30.33 Mbps ang bilis ng kanilang broadband technology, Singapore na pumuwesto sa ika-10 na may 18.83 Mbps, at Japan na nasa ika-14 na may 17.80 Mbps.

Dahil dito, hinikayat ni Cayetano ang gobyerno na pabilisin ang pagpapaunald ng broadband technology sa bansa upang makatulong sa paglikha ng hanapbuhay partikular sa marginalized sector tupad ng elderly, house helper, may kapansanan at mababang skilled worker at mahihirap sa kanayunan.

Aniya, lubhang nagpababa ng benipisyong makukuha sa broadband technology mula sa pagkuha ng educational technologies ng murang kaisipan hanggang pagbibigay kapangyarihan sa kababaihan sa pamamagitan ng impormasyon at kaalamanan sa kakayanan.

Iginiit ni Cayetano na dapat gumawa ng pamamaraan ang pamahalaan na maging mura ang serbisyo ng broadband  sa pamamagitan ng regulasyon at pwuersa sa pamilihan.

Aniya, pangunahing dahilan sa makupad na pag-unlad ng broadband technology sa bansa ang limitadong pagpasok sa pamilihan at serbisyong pagbubuwis na dapat tanggalin kaagad ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply