Pinas naka-12 ginto na sa SEA Games

NAKABINGWIT na ng labing dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa nagpapatuloy na 26th Southeast Asian Games sa Indonesia matapos na mabingwit ang tatlo pang ginto ngayong araw.

Ang pinaka-huling nadagdag sa ginto ng Pilipinas ay mula kina John Paul “Japoy” Lizardo at Kirstie Elaine Alora nang talunin ang kani-kanilang kalaban sa finals ng biennial event’s taekwondo competition.

Ginapi ni Lizardo ang pambato ng Thailand na si Jerranat Nakaviroj sa kategorya ng men’s flyweight habang dinaig ni Alora si Eka Sahara of Indonesia sa kategorya ng women’s heavyweight.

Isa pa sa nakasilat ng ginto ay si Walbert “Wally” Mendoza sa fencing competition.

Ang mga naunang naka-sungkit ng ginto ay sina Pinoy cue master Dennis Orcollo, wrestler Margarito Angana, sports climber Ina Flores at kapwa mga taekwondo jins na sina Rani Ortega, Camille Alarilla at Janice Lagman.

Sa kasalukuyan, ang Pinas ay may 12 ginto, 16 na silver at 24 na bronze medal at nasa ika-anim na pwesto sa SEA Games rankings.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply