Pinas nakasungkit na ng 3 gintong medalya sa SEA Games

NAKASUNGKIT na sa mga oras na ito ng tatlong gintong medalya ang Pilipinas sa nagpapatuloy na South East Asian (SEA) Games.

Mula sa swimming heats, apat na Filipino ang tumuloy sa finals ngayong gabi.

Sisisid sa finals ng 400-meter individual medley sina Jose Gonzales at Banjo Borja habang si Jasmin Alkhaldi naman ang lalangoy sa 200-meter freestyle at si Dale Lee sa 50-meter butterfly.

Sumabak na rin sa aksyon ang Philippine teams sa pétanque, softball, badminton, taekwando, karatedo at track and field.

Ngunit sa track and field at pomsae ng taekwando nagtagumpay ang Pinas.

Nalagpasan ng Pinay na si Maristella Torres ang SEA Games record na 6.68m na siya rin ang gumawa noong 2009.

Kanina, naitala ni Torres ang 6.71 meters sa long jump para sa unang gold medal ng bansa.

Sa taekwondo pomsae nasungkit ng grupo nina Rani Ortega, Camille Alarilla at Janice Lagman ang ikalawang gintong medalya habang ang ikatlo naman ay nakuha ni Maria Camille Manalo sa under-62 kg female category ng taekwondo.

Bukod dito, mayroon na ring dalawang silver medal at dalawang bronze medal ang Pinas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply