Pinay conjoined twin sa US, matagumpay na napaghiwalay

PALO ALTO, California- Matagumpay na napaghilaway kaninang umaga (Nobyembre 2, petsa sa Pilipinas) ang Filipino conjoined twins sa isinagawang operasyon sa Estados Unidos.

Ayon kay Ginady Sabuco, ina ng kambal na sina Angelina at Angelica, hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan ng kanyang pamilya sa matagumpay na operasyon ng kanyang mga anak.

Dahil dito, unang pinasalamatan ni Sabuco ang Panginoon dahil walang nangyaring masama sa dalawang-taong gulang niyang kambal na dati ay magkadikit ang dibdib at tiyan.

“I thank God for everything; words cannot express how the family feels for the successful separation of our twins, Angelica and Angelina,” ani Sabuco.

Umaabot sa 20 doktor at 20 operating staff ang nagsagawa ng operasyon na tumagal ng walong oras sa Lucile Packard Children’s Hospital sa Palo Alto, California para paghiwalayin ang conjoined twins.

Ayon sa lead surgeon na si Dr. Gary Hartman, inaasahan nila ang “complete recovery” ng kambal.

Matatag umano ang kambal at wala silang nakikitang hadlang para sa full recovery nina Angelina at Angelica.

“We’re very pleased… It could not have gone better,” ani Hartman. “They’re very resilient. The long-term prognosis is that we would expect a happy, healthy set of girls. We don’t see any barriers to a complete recovery.”

Inihayag ni Hartman na tumagal kaysa inaasahan ang operasyon dahil mabagal umano ang paghiwalay sa liver ng dalawang bata na siyang pinakadelikadong bahagi.

Ito na ang ika-anim na operasyon ni Dr. Hartman sa mga conjoined twins.

Ayon sa plastic surgeon na si Peter Lorenz, na nanguna sa reconstruction procedure, tanging ang mahabang pilat lang mula dibdib hanggang tiyan ang magpapaalala sa nakaraan ng Sabuco twins.

Ang kambal ay may hiwalay na utak, puso, kidney, stomach, intestines at tanging liver lang ang magkadukit.

Kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) pa ng nabanggit na ospital sina Angelina at Angelica at bukas umano ay maaari nang gisingin kapag walang problema sa recovery.

Ang Sabuco twins ay ipinanganak sa Pilipinas at noong nakaraang taon ay dinala ng kanilang ina sa Amerika kung saan nagtatrabaho ang mister para masimulan ang proseso ng paghiwalay ng kambal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply