Pinay ginagawang sex slave ng mga sundalong Kano

IBINUNYAG ng militanteng grupo na Migrante International na ginagawa umanong comfort women ng mga sundalong Amerikano ang mga Filipina hindi lamang sa bansa kundi sa ibang panig ng Asya.

Dahil dito, nakahanda ang grupo sa pagdating sa bansa ni US Secretary of the State Hillary Clinton upang subukang iapela ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) at ipahinto ang nagpapatuloy na US-PHL Balikatan exercises.

Ayon kay Migrante International chairperson Garry Martinez, disaster ang epekto sa bansa ng pagdating ng tropa ng mga Kano sa Pilipinas, partikular na umano sa mga kababaihan.

Ginagawa umanong comfort women ng US troops ang mga Pinay.

Sa katunayan aniya, nasa 3,000 mga Pinay ang napunta sa prostitusyon sa ilang bahagi ng Asya, kung saan narooon rin ang US military base.

Sinabi pa ni Martinez, nadiskubre nila na maging sa Mindanao ay nagre-recruit na rin ng mga kababaihan dito para maging sex workers sa US military base sa iba’t ibang bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply