Pinay nahaharap sa 3 kaso sa Singapore

NAHAHARAP sa tatlong kaso at inatasang magbayad ng $25,000 ang isang Filipino domestic worker sa Singapore dahil sa umanoy pagiging “unlicensed employment agent” nito.

Sa report ng  “The Straits Times,” si Jeraldine Pagulayan Tuliao, 39, ay kinasuhan sa ilalim ng revised Employment Agencies Act (EAA).

Sa isinagawang pagdinig ng EAA, inamin ni Tulaio na nagtrabaho siya bilang assistant kay Chua Mei Chern, isang hindi lisensyadong ahente na gumagamit din ng mga pangalang “Jayson” at “Shawn”

Dahil dito, inatasan ang Filipina na magbayad ng nasabing halaga.

Bukod dito, may dalawa pang kinakaharap na kaso si Tuliao sa ilalim ng revised Employment of Foreign Manpower Act, dahil sa paggawa ng maling deklarasyon ng kanyang work permit nang mag-aply bilang domestic worker.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply