Pinay shock sa nude pictures sa Internet

TULALA pa rin ang 40-anyos na babae mula sa Cebu City matapos tumambad sa kanya ang mga hubad niyang larawan na nakakalat na ngayon sa social networking site ng isang Greek national.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ikinukunsulta ng City Legal Office ng Cebu City hall sa awtoridad partikular sa Philippine National Police kung paano matutulungan ang isa nilang kawani.

Nabatid na nais ng nasabing tanggapan na maimbestigahan ang insidente ng cybersex na kinasasangkutan ng isa sa kanilang mga kawani na kasalukuyang nasa state of shock.

Sinasabing nakilala ng babae na itinago sa pangalang Amor, 40, ang isang Greek national sa internet matapos silang mag-chat sa Facebook at Yahoo messenger.

Dito umano nagsimula ang kanilang cyber relationship kung saan humantong sa paghingi ng dayuhan sa password ng kanyang Facebook na hindi naman ipinagdamot ng babae.

Aminado rin ang biktima na nagsa-cyber sex sila ng banyaga gamit ang camera at microphone ng kanilang mga computer sa bahay subalit hindi niya alam na kinukunan pala siya ng larawan ng kanyang boyfriend tuwing nagse-sex sa internet.

Sinasabing matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa at magkahiwalay, dinownload umano ng Greek national ang kanyang mga hubad na larawan at pinalitan din ng password ang kanyang Facebook account.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply