Pinoy kumpirmadong patay sa baha sa Thailand

KINUMPIRMA ng embahada ng Pilipinas sa Thailand na may isa nang Pinoy ang namatay sa malawakang pagbaha sa naturang bansa matapos makuryente nang lumusong sa malalim na tubig-baha na dulot nang walang tigil na pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng high tide.

Sa ngayon ay inaayos na ng Embahada ng Pilipinas ang pagbabalik sa bansa ng labi ng 50-anyos Pinoy na si Arnolfo Fernandez.

Si Fernandez ay kabilang sa 373 katao na namamatay simula nang walang tigil na pagbuhos ng  ulan simula noong Hulyo 2011 na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Thailand kung saan naapektuhan ang buhay ng halos 3 milyong indibidwal.

Magsisilbing babala sa publiko partikular sa mga Pinoy na nasa Thailand ang nangyari kay Fernandez na hindi maiwasang magtungo at lumusong sa mga binahang lugar sa Bangkok kasabay ng pagbibigay paalala na dapat siguruhin ang lahat ng electrical outlets ay nakapatay upang maiwasan ang nangyaring insidente.

Nanawagan naman ng kaukulang tulong ang asawa ng biktima na si Arlet at anumang maibabahagi ay maaaring tumawag sa Embassy hotlines na 66- 08-9926-5954 at 66-08-4360-8405.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply