Pinoy pa bibitayin sa China sa Disyembre 8

NAKATAKDANG bitayin sa Disyembre 8 ang isang Pinoy sa kasong drug trafficking matapos sentensiyahan ng Supreme People’s Court (SPC) sa Beijing, China.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang Pinoy na hindi pinangalanan at nasa 35-anyos ay napatunayang nagkasala sa kasong smuggling ng 1.495 kilos ng heroin
sa Guangxi, China.

“He was apprehended on 13 September 2008 at the Guilin International Airport, from Malaysia, after authorities found the heroin in his possession,” pahayag ng DFA.

Sinabi ng DFA na naipaalam na sa pamilya nito ang desisyon ng SPC at inaayos na sa lalong madaling panahon ang pagpunta nila sa China para bago ang pagbitay ay mabisita nila ang kanilang kamag-anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply