PIO ng PDEA at PIO ng QCPD walang ipinagkaiba

HINDI lang pala ang Public Information’s Office (PIO) ng Philippine Drug Enforcement Agency ang palpak kundi maging ang PIO ng Quezon City Police District ay palpak din.

Ilang buwan ko ring inobserbahan ang mga galaw ng  PIO ng QCPD na si Chief Inspector Edgar Omas, at wala ako halos makitang pinagkaiba nila ng PIO ng PDEA na si Vangie Almenario.

Duplikadong-duplikado nitong si Osam ang mga kapalpakan nitong si Almenario kaya ang mga reporter na naghihintay ng mga release ay pawang mga naka-tengga.

Noong hindi pa si Osam ang nakaupong PIO ng QCPD ay araw-araw silang nagpapadala ng mga release sa mga reporter  ngunit nang  maging pio Chief itong si Omas ay natigil na rin ang mga press release.

Mismong sa tanggapan nitong si Omas ay sukang suka na rin sa mga  kapalpakan nito at maging ang ilan  nating kapulisan diyan sa Kampo Karingal ay ganun din ang sinasabi.

Marami nang  naging PIO Chief  ang QCPD at lahat sila ay mahusay na nagampanan ang kani-kanilang mga tungkulin, pero itong si Omas ewan ko kung  ano-ano ang pinaggagawa sa loob ng Kampo Karingal.

QCPD Director Chief Supt. George Regis, Sir, saan po ba galing yang si Maj. Omas at bigla-bigla na lang naupong PIO ng QCPD?

Ang dami-rami po nating magagaling na opisyal diyan, bakit si Omas pa, na wala yatang alam kung papaanong hawakan ang PIO ng QCPD?

Bukod sa  wala itong alam kung papaanong patakbuhin ang PIO ng QCPD ay wala rin itong PR sa mga mamamahayag, tulad ni Vangie  Almenario ng PDEA.

Tulad na lang noong Martes ng hapon kung saan mayroong dalawang nahuling gumagawa ng mga pekeng pera. Kung dati-rati ay pinuputakte ng mga reporter ang  press conference na pinatatawag ng QCPD noong Martes ay mangilan-ngilan na mamamahayag ang dumating.

Ilang mamamahayag ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginawa ni Omas   na parang itinatago ang pagkakaroon ng presscon.

Maj. Omas. kung hindi mo rin lang naman kayang hawakan ang PIO ng QCPD ay bitiwan mo na yan.

Marami pang opisyal na mas effective diyan sa puwestong yan.

Umalis ka na riyan, nakahihiya ka lang diyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply