Piston sumugod sa tanggapan ng Shell

SUMUGOD sa punog tanggapan ng Pilipinas Shell sa Makati City ang militanteng grupo na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Natiowide (Piston) upang kondenahin ang patuloy na pagtaas na presyo ng krudo.

Ang kilos protesta ay isinagawa dakong 10:30 ng umaga sa isang mapayapang pamamaraan.

Sinabi ni George San Mateo, secretary general ng Piston, sobrang hirap ang kanilang nararanasan dahil sa patuloy na paglobo ng presyo ng gasolina lalo na ang diesel.

Iginiit ni San Mateo na dapat na alisin na ang value added tax (VAT) sa langis at tiyak aniya na magreresulta ito ng pagbaba ng P6.10 sa kada litro ng diesel at P7 sa kada litro ng gasoline. Kung maipatutupad aniya ito ay P180 ang madadagdag sa kita ng mga jeepney/UV express drivers kada araw.

Sinasadya umano ng monopolyo ng kartel ng “Big 3” (tatalong huganteng kompanya ng langis) ang sunud-sunod at tuluy-tuloy na pagsirit sa presyo ng diesel. Dahil dito, tataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil diesel ang ginagamit ng mga sasakyan sa pagluwas ng pangunahing bilihin sa merkado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply