Piyansa ni GMA, nakasalalay sa prosecutor

NASA kamay ng prosekusyon ang kinabukasan ng aplikasyon na makapagpiyansa ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macalagal-Arroyo na nahaharap sa kasong electoral sabotage na nakasampa sa Pasay City Regional Trial Court.

Ganito ang pahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago matapos tukuyin ang Rules of Court na nagsasabing maaaring magpiyansa ang sinuman na nahaharap sa anumang kaso alinsunod sa karapatan ng bawat mamamayan.

“Pinapayagan ng Rules of Court na makapag-piyansa si Pangulnog Arroyo. Ngunit, nakasalalay ito sa determinasyon ng korte kung mabigat ang ebidensiya na ihahain ng prosekusyon,” ayon kay Santiago.

“The grant or denial of an application for bail is dependent on whether the evidence of guilt is strong, which the lower court should determine in a hearing called for the purpose,” dagdag pa niya saka tinukoy ang 1999 case na People v. Cabral, 303 SCRA 361.

Sa teorya, sinabi ng senador, tanging dahilan sa paglalagak ng piyansa na matiyak na makadadalo ang akusado sa itinakdang pagdinig ng kaso. “Base sa Rules of Court, ibinibigay nito sa kamay ng hukom kung papayagan o hindi at kung anong uri ng piyansa ang ilalagak ng akusado.”

Binanggit ng senador ang  Rules of Court, Rule 114, Section 7, na nagsasabing: “Sec. 7.  Capital offense or an offense punishable by reclusion perpetua or life imprisonment, not bailable. – No person charged with a capital offense, or an offense punishable by reclusion perpetua or life imprisonment, shall be admitted to bail when evidence of guilt is strong, regardless of the stage of the criminal prosecution.”

Kaya’t nararapat umanong dinggin ng korte ang aplikasyon ng sinumang akusado na makapaglagak ng piyansa.

Binanggit din ng senador ang Rules of Court, Rule 114, Section 8, na nagsasabing: “Burden of proof in bail application. – At the hearing of an application for bail filed by a person who is in custody for the commission of an offense punishable by death, reclusion perpetua, or life imprisonment, the prosecution has the burden of showing that the evidence of guilt is strong.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply