Plano sa pagpapaganda sa NAIA isusumite na

NAKATAKDANG isumite kay Pangulong Benigno Aquino III ang plano ng pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni PNoy na hindi importante sa kanya ang personal na posisyon dahil mas mahalaga ang kapakanan ng bansa.

Inamin ng Punong Ehekutibo na matagal na proseso ang pagsasa-ayos ng NAIA lalo pa at ang bago niyang puntirya ay ang makapanghikayat ng 10 milyong turista sa bansa.

“It is so built up, that it would take a lot of expropriation proceedings, delaying the whole process, for instance, our new target of 10 million tourists into the country. So, it’s a 30-year-old structure, it has suffered the ravages of time, a plan for it for improving both aesthetically and structurally will be presented to me Tuesday next week,” ayon sa Pangulo sabay sabing but it will be a stopgap measure for the next four or five years because we are already looking at alternatives already to that complex. Given the fact that it will be hard-pressed to support the 10 million tourist arrivals that we are targeting.”

Nauna rito, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak si Pangulong Aquino sa YouTube interview bilang bahagi ng world view series.

Sinasabing si Pangulong Aquino ang kauna-unahang Asian president na kinapanayam ng nasabing social networking site sa pamamagitan ni Ross LeJournesse, pinuno ng Public Policy and Government Affairs ng Asia Pacific (Google).

Kabilang sa world leaders na nakapanayam na sa YouTube ay sina US Pres. Barack Obama at British Prime Minister David Cameron.

Sa 45-minutong interview ay isa-isang sinagot ng Chief Executive ang mga katanungan mula sa iba’t ibang YouTube users sa buong mundo.

Ilan sa issues na itinanong ay ang posisyon ng Pangulong Aquino kaugnay sa rebelyon sa Mindanao, Spratlys, NAIA I, disaster preparedness, pollution, extra-judicial killings, Freedom of Information Bill, Reproductive Health Bill, food security at Christmas wish na tinanong ng isang pitong taong gulang na batang lalaki.

Maingat naman ang bawat sagot ng Pangulo at umiwas sagutin nang diretsahan ang mga tanong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply