Playboy na kelot napatay ng asawa ng karelasyong bebot

NAPATAY at pinutulan pa ng ari ang isang Barangay Treasurer dahil sa pagiging playboy nito.

Ang biktima ay nakilalang si Eduardo Malampang, 44, residente ng Barangay Galapu-an, Don Marcelino, Davao del Sur.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 2:20 ng hapon ng biyernes ng makita ang biktima ng suspek na si Eduardo Matabang Jr., 22, residente ng kaparehong barangay ng biktima. Sinaksak umano ng suspek ang biktima at hinubaran pa ito at pinutol ang ari.

Kaagad namang tumakas ang suspek na isang habal-habal driver na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikita ng mga alagad ng batas.

Bago pa umano mangyari ang krimen ay nag-usap pa ang biktima at suspek sa kanilang barangay hall para ayusin ang kanilang problema hinggil sa pagkakaroon ng relasyon umano ng una sa asawa ng huli. Subalit hindi naresolba ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa loob ng barangay hall at humantong sa pagkakapaslang sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply