PMA hinamon na maglabas ng mga espesyalista sa sakit ni GMA

HINAMON ng kampo ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang Philippine Medical Association (PMA) na maglabas ng listahan ng mga doktor na maaaring gumamot sa dating Pangulo.

Ito ay matapos na sabihin ng pamunuan ng PMA na may doktor sila na maaaring makalunas sa karamdaman ni Gng. Arroyo.

Giit ng tagapagsalita ng Gng. Arroyo na si Elena Bautista-Horn, kung sakaling may ilalabas nga na mga pangalan ng espesyalista ang PMA ay nakahanda naman silang tumugon at ito ay tatanggapin.

Naninidigan ang mga Arroyo na hindi nila isusugal ang kalusugan ni GMA na ngayon ay agad na nangangailangan na isailalim sa tetra cycling bone biopsy.

Binigyang diin pa nito na matatagpuan lamang ang mga espesyalista para sa sakit ng mambabatas sa mga bansang nakasaad sa travel authority na inisyu ng Kamara de Representantes na siyang hiningi ni Arroyo.

Inamin din ni Horn na kritikal umano para kay Arroyo ang susunod na tatlong buwan upang makapag-regenerate ang kanyang glands kung kaya’t pilit nilang inilalaban na makapagpagamot ito sa lalong madaling panahon.

Paliwanag pa ni Horn, sampung bansa lamang sa buong mundo ang may extradition treaty ang Pilipinas at tanging Estados Unidos lamang ang may magandang medical treatment na kasama sa naturang tratado.

Nagpahayag rin ng pagkalungkot si Horn ukol sa litrato ni Gng. Arroyo na kumakalat sa mga social networking site, na aniya ay ginagawang katatawanan at ginagamit pang primary picture.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply