PNoy admin dapat gumastos naman – solon

HINIMOK ni Ang Kasangga partylist Representative Ted Haresco ang pamahalaang Aquino na dagdagan pa ang paggastos, partikular na sa mga proyektong pang-imprastruktura na daan para sa higit na pag-unlad ng bansa.

Reaksyon ito ng kongresista kasunod ng huling pagtaya ng World Bank sa pag-unlad ng Pilipinas na mula 4.5% sa Oktubre 2011 ay naging 4.2% na lamang pagkatapos ng isang buwan.

Ayon kay Haresco, dapat ikonsidera ng gobyerno ang pahayag ng World Bank na sa harap ng humihinang pagluluwas ng mga produkto ng bansa dahil sa pinansyal na krisis sa Amerika at Europa, mahalaga ang pamumuhunan sa sektor ng imprastruktura upang mapanatili ang mas mataas sa 5% ang Gross Domestic Product.

Tinukoy pa ng kongresista na ang ginagawa ngayong napakatagal na pagbusisi ng pamahalaan sa mga infrastructure program ng nakalipas na administrasyon na bagamat nakakatulong sa kampanya laban sa korupsyon ay nagpababa naman ng tiwala ng mga negosyante.

Tinukoy pa ni Haresco na kung nanaisin ng administrasyong Aquino na magkaroon ng angkop na proyekto sa tamang presyo at wastong paglalagakan nang hindi nasasayang ang kaban ng bayan, dapat ay ituon ang Overseas Development Assistance (ODA) sa infrastructure programs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply