PNoy admin ‘school bullies’ – Mike Arroyo

‘SCHOOL BULLIES’ at pasaway ang mga opisyal ng administrasyong Aquino, ayon kay First Gentleman Mike Arroyo matapos tanggihan ang hiling ng misis na si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo na makapagpagamot sa ibang bansa.

Ayon sa spokesperson nitong si Ferdinand Topacio, sinabi ni FG na walang plataporma ang pamahalaan ni Pres. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Umaasa lamang umano ito sa mga kritisismong ibinabato sa nakalipas na administrasyon at panggigipit sa kanila.

Ani Topacio, mismong ang mga kaalyado ni Aquino ay nagsasabing labag sa batas ang pagpigil ng Department of Justice (DOJ) kay CGMA na makalabas ng bansa.

Ayon naman sa tagapagsalita ni CGMA na si Maria Elena Bautista Horn, lima lamang ang sinabi nila kay House Speaker Feliciano Belmonte na balak puntahan ng dating pangulo.

Ito umano ay ang Singapore, United Staqtes, Germany, Italy at Spain.

Marahil umano ay iba ang naikwekto ni Juistice Sec. Leila Delima sa Pangulo kaya mali ang impormasyong nakalap niya.

Nagpapasalamat naman sila sa alok ni PNoy na magdala na lamang ng mga doktor mula sa ibang bansa, ngunit nauna na umanong pinayagan sila noon na lumabas dahil sa mga speaking engagement ng dating pangulo.

Ani Horn, hindi lamang sila nakaalis noon dahil inoperahan si CGMA at hindi ito pinayagan ng kanyang mga doktor.

Sa ngayon, hihintayin na lamang nila ang desisyon ng Korte Suprema na temporary restraining order (TRO) sa watch list order ng DOJ laban sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply