PNoy duda sa pagpapagamot ni GMA sa abroad

INAMIN ngayon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na duda siya sa pagpapagamot ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa.

Ang pahayag ni Pangulong Aquino ay kasunod ng inilabas na desisyon kahapon (Nobyembre 7) ng Department of Justice na payagan si Gng. Arroyo na magpagamot abroad.

Sa inilabas na desisyon kahapon ng DOJ ay hindi pinahintulutan ang hiling ni Gng. Arroyo dahil kayang gamutin ng mga eksperto sa bansa ang sakit nito.

Sinabi ni Pangulong Aquino, na kaduda-duda na maraming inilagay na bansa si Arroyo sa kanyang request na balak nitong puntahan upang magpasuri.

At iginiit rin ni Pangulong Aquino na kayang-kayang gamutin sa bansa ang sakit ng Gng. Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply