PNoy govt: 17 mos. old na pero mga gutom dumarami

SUMAKIT ang ating batok nang lumabas ang ulat ng Social Weather Station ukol sa kahirapan at kagutuman.

Eh sino ang hindi ma-hahayblad sa ganitong ulat, huh?

‘Di ba, panay-panay ang sabi nina PNoy na gumaganda na ang buhay ni Juan dahil nasa matuwid na daan na tayo?

Eh bakit nakukumpirma sa sarbey ng SWS ang matagal at paulit-ulit na nating sinasabi na dumarami ang naghihirap at nagugutom?

Ang talaga pang masakit dito, Suki, ay ang pagkaapekto ng mga nananahimik na mamamayan. Ikaw ba naman ang kakatukin sa araw o gabi ng mga mangungutang para may maipambili sila ng tsibug o maitakbo nila ang kanilang maysakit sa ospital, tingnan ko lang.

Hindi bale nang wala nang bayaran sa utang na  ganito, pero talaga namang ganito na ang nagaganap sa mga barangay, Suki, at sobra nang nakababahala.

oOo

Gaano na ba katanda ang pamahalaang PNoy? Wan yir en five mants na ito o 18 months old.

Naranasan na nito ang magkaroon ng sariling pambansang badyet na P1.6 trilyon at sana’y may pagbabago na sa buhay ni Juan.

Batay ito sa sinasabi ni PNoy na kung walang korap, walang mahirap.

Kung paniniwalaan si PNoy na nadudurog na niya ang korapsyon, bakit naman dumarami ngayon ang naghihirap at nagugutom?

oOo

Sabi ng mga taga-Palasyo, hindi sila nababahala sa dumaraming naghihirap at nagugutom.

Sila kaya ang magmaneho ng maghapon nang walang kita dahil sa mahal na langis, toll at kotong; sila kaya ang magsaka na mabagyo at mabaha at sila kaya ang tamaan ng kontraktuwalisasyon at iba pa?

Tingnan lang natin kung iiyak ang mga ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply