PNoy hindi naniniwala kay Santa Claus

HINDI naniniwala si Pangulong Benigno Aquino III kay Santa Claus.

Sa isinagawang You Tube World View Interview sa Presidential Broadcast Studio, sinabi ng Pangulo na si Santa Claus ay personification lamang ng mga tao kung paano magiging mabuti sa kapwa at mapagbigay sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

“Santa claus perhaps is a personification of how people…best in people, the idea of generosity, the idea of caring does come out at least for Christians during this period most particularly and most shall we say strongly,” ayon kay Pangulong Aquino.

Gayunman, hindi man siya naniniwala kay Santa Claus, wish naman ni PNoy ang kaginhawaan sa bayan at sa sambayanang Filipino.

“If I were to wish on people who have goodwill towards their fellow men what would I ask for? More than anything, we really have to shift, to those of us still left into the criticize anything and everything phase to transforming ourselves into how can we assist our neighbour, our sister, our brother or whoever, somebody we don’t even know. What can we contribute towards the improvement of the whole rather than how do we concentrate on envy or concentrate on our ability to criticize daily to ad infinitum that leads to nowhere,” ang pahayag nito.

Ang pagbibigay halaga sa kapwa ay hindi lamang aniya dapat na ipinaiiral tuwing sasapit ang Pasko kundi dapat ay araw-araw.

Tila bitin naman ang sagot ng Punong Ehekutibo dahil hindi nito nabanggit ang tungkol sa kanyang lovelife na madalas niyang ginagamit na “panahog” sa kanyang speeches at messages.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply