PNoy impeachment niluluto sa minorya

NILULUTO na ng lahat ng miyembro ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatalsik sa posisyon kay Pres. Benigno Simeon Aquino III.

Ayon sa ilang mambabatas ng minorya, nagresulta ng alitan sa pagitan ng ehekutibo at judicial branch ang paglabag ng Department of Justice (DOJ) sa utos ng Korte Suprema na payagang umalis ng bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ngayon umano ay pinag-aaralan nila sa Kamara na sampahan ng kasong impeachment si Aquino.

Hirit pa ni Albay Rep. Edcel Lagman, “Nasaan ang tuwid na daan when you don’t follow the law?”

“Spoiled brat” naman ang tingin ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay kay Justice Secretary Leila de Lima.

Ang ikinilos umano nito ay maaaring magresulta sa constitutional crisis.

Ayon naman kay Sen. Joker Arroyo, nagdeklara ng giyera si PNoy laban kay CGMA at hindi uurong dito ang dating pangulo.

Bumuwelta naman si Akbayan Partylist Rep. Risa Hontiveros sa kampo ng mga Arroyo at isang insulto na ikumpara sa Martial Law ang pagpigil sa biyahe ni CGMA.

Natural lamang umanong kampihan siya ng Korte Suprema dahil lahat sila ay mga appointee ni Arroyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply