PNoy inimbitahan ni Obama sa White House

TILA mapapadalas ang pagkikita nina Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at US President Barack Obama ngayon.

Ito’y matapos na iparating ni US Secretary of State Hillary Clinton sa Chief Executive ang imbitasyon mula kay Pangulong Obama.

“We are looking forward to President Obama welcoming President Aquino to the White House, to the Oval Office sometime early next year,” ayon kay Clinton.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Clinton, asawa ni dating US President Bill Clinton upang personal na lagdaan ang economic partnership agreement at patatagin ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

“We have a lot of work to do and we want to be very sensitive to the request and needs of the government of the Philippines,” anito sabay sabing dumating na aniya ang tamang oras upang i-update ang military relationship ng US sa Pilipinas bilang paghahanda sa mga bagong pagsubok at oportunidad na kahaharapin ng dalawang bansa.

“We want to make it clear that our military relationship like every other aspect of our relationship is one based on mutual respect and mutual interest,” ang pahayag ni Clinton.

Samantala, tatanungin muna ni Presidential spokesman Edwin Lacierda kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kung natanggap na nga nito ang nasabing imbitasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply