PNoy kinalampag sa mabagal na pag-usad ng RH bill

MATAPOS magpahayag ng pagkabahala sa patuloy na pagtaas ng populasyon hindi lamang ng Pilipinas maging ng buong mundo ay umapela ang dalawang kongresista kay Pangulong Benigno Aquino III, na hikayatin na ang Kongreso na ipasa ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Sa kanilang panawagan kay Pangulong Aquino ay tinukoy nina AGHAM Party-list Rep. Angelo Palmones and Sulu Rep. Nur-ana Sahidulla ang pinakahuling pagtaya ng United Nations (UN) na ang populasyon ng buong mundo ay umaabot na sa pitong bilyon kung saan ang Pilipinas ay nasa ika-12 pwesto ng pinakamtaas na populasyon sa mundo.

Nais nina Palmones at Sahidulla na tapusin na ang debate sa RH Bill at pagbotohan na ito.

“Both the Senate and the House of Representatives must speed up the passage of the RH bill within 2011. President Aquino’s endorsement of the bill to LP (Liberal Party) members will ensure its enactment,” ayon kay Palmones.

Naniniwala si Palmones na kapag naipasa ang RH Bill ay maituturing itong “greatest legacy for maternal care,” ni Pangulong Aquino.

Sa kaniyang panig ay sinabi naman ni Sahidulla na ang RH measure ay malaking tulong sa gobyerno upang makaiwas sa malaking epekto ng mabilis na paglobo ng populasyon sa Pilipinas na ngayon ay nasa 94.9 milyon na.

“RH Bill should be passed here at the House of Representatives (and the Senate). This will be the best solution,” ani Sahidulla.

Sa ngayon ay hati ang mga kongresista sa RH Bill ayon naman sa naunang pagkumpirma ni House Speaker Feliciano Belmonte na isa sa mga nagsusulong na maipasa ang nasbaing panukala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply