PNoy nakabalik na sa bansa

NAKABALIK na sa bansa si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III mula sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap sa Honolulu, Hawaii.

Sa kanyang arrival speech, sinabi ng Pangulo na mahalaga na mapanatiling maganda ang ugnayan ng mga bansa dahil makatutulong ang mga ito sa krisis na nararanasan sa pamamagitan ng trade liberalization ng mga kasaping bansa.

Layunin nito na mapaluwag sa kani-kanilang mga bansa ang pagpasok ng mga investment bilang tugon na rin sa nararanasang economic recession noong 2008 at 2009.

Kabilang sa mga napag-usapan ng iba’t ibang leader mula sa 21 bansa ang mga paraan tungo sa mas masusing paggamit ng enerhiya, paglikha ng mas maraming trabaho, pagkakakitaan at ang pagpapanatili ng matatag na ekonomiya.

Nakapanayam din ng Pangulo ang Australian Prime Minister Julian Jillard at nagpasalamat siya sa pagbibigay ng $1 bilyon sa iba’t ibang organisasyon kabilang na ang Philippine Red Cross bilang tulong sa mga pagbaha sa Pilipinas.

Kabilang naman sa delegasyon ng Pangulo ay sina Trade Secretary Gregory Domingo, Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Finance Secretary Ceasar Purisima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply