PNoy, Obama magpupulong sa Indonesia

NAKATAKDANG magkita at magpulong sina Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at U.S. President Barrack Obama sa Hawaii, USA sa Nobyembre 11-13 para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, ang magaganap na bilateral meeting sa pagitan dalawang Pangulo ay kaugnay na rin ng pagbisita ni US Secretary of State Hillary Clinton sa Pilipinas para sa ika-60 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng ating bansa at ng Amerika.

Inaasahang tatalakayin nina PNoy at Obama ang mga usapin sa maritime security, education, non-proliferation, disaster mitigation at food security.

Ito ang magiging ikalawang pagkikita ng dalawang pangulo.

Sina Pangulong Aquino at President Obama ay unang nagkita sa ginanap na ASEAN US Leaders’ Meeting sa New York City noong Setyembre, 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply