PNoy, Barack Obama muling magkikita

MAPAPADALAS pa ang pagkikita nina Pangulong Benigno Aquino III at US President Barack Obama ngayon.

Ito’y matapos iparating ni US Secretary of State Hillary Clinton sa Chief Executive ang imbitasyon mula kay Pangulong Obama.

“We are looking forward to President Obama welcoming President Aquino to the White House, to the Oval Office sometime early next year,” ayon kay Sec. Clinton.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Clinton, asawa ni dating US President Bill Clinton upang personal na lagdaan ang economic partnership agreement at patatagin ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

“We have a lot of work to do and we want to be very sensitive to the request and needs of the government of the Philippines,” anito sabay sabing dumating na aniya ang tamang oras  upang i-update ang military relationship ng US sa Pilipinas bilang paghahanda sa mga bagong pagsubok at oportunidad na kahaharapin ng dalawang bansa.

“We want to make it clear that our military relationship like every other aspect of our relationship is one based on mutual respect and mutual interest,” ang pahayag ni Sec. Clinton.

Samantala, ikukumpirma pa ni Presidential spokesman Edwin Lacierda kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kung natanggap na nito ang nasabing imbitasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply