PNoy ‘OP’ sa leaders and spouses dinner

TANGING si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III lamang ang walang kasamang partner sa ginanap na APEC leaders and spouses dinner sa Hawaii.

Kahit nagmukhang ‘out of place’ wala namang magagawa si PNoy dahil single pa naman aniya siya at walang maisasamang kasintahan sa Hawaii kaya solo siyang nakihalubilo sa social night ng APEC summit.

Ginawa ang dinner sa Hale Koa Maile Garden kung saan dumalo ang mag-asawang US President Barack Obama at misis na si First Lady Michelle Obama.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang Pangulo na makipagkuwentuhan sa mag-asawang Obama.

Nagmumukha namang “paborito” ni Obama si Aquino dahil lagi nitong kinakausap at gustong makatabi sa upuan tuwing APEC meeting.

Matapos ang dinner, nagkaroon ng cultural event at photo opportunity ng mga lider pero hindi na rin dumalo ang Pangulong Aquino sa sayawan o party at dumiretso na sa suite sa Hilton Waikiki para harapin ang Philippine media delegation.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply