PNoy pinasinayaan ang Climate Change Academy sa Albay

SA kabila ng kilos protesta na inihanda ng grupo ng mga magsasaka sa Albay sa pagbisita kanina ni Pangulong Noynoy  Aquino ay hindi nagpatinag ang pangulo sa kanyang pagdating kanina kasama ang ilang miyembro ng gabinete.

Pinangunahan ni PNoy ang pormal na pagbubukas sa kauna-unahang Climate Change Academy sa buong mundo.

Sumugod naman sa lugar ang grupo ng mga magsasaka dahil nais nilang personal na makausap ang pangulo kung mabibigyan ng pagkakataon upang maiparating ang kanilang mga hinaing.

Kabilang na rito ang human rights violation na nangyayari partikular sa bayan ng Guinobatan.

Tiniyak naman ng Philippine National Police na magiging tahimik at maayos ang sitwasyon sa lugar sa kabila ng kilos protesta ng mga militanteng  grupo.

Kasama sa mga delegadong nagtungo sa Albay ang mga opisyal at miyembro ng National Press Club.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply