PNoy sa DA: ‘Doblehin ang sipag’

INATASAN ngayon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang Department of Agriculture (DA) na doblehin ang sipag para mapa-unlad ang organic farming sa bansa.

Sa ginanap na 8th National Organic Agriculture Conference sa Hacienda Luisita sa Tarlac, inihayag ni Pangulong Aquino na magbibigay ang pamahalaan ng pondo para sa nabanggit na programa ng ahensya.

Naniniwala si Pangulong Aquino na sa pamamagitan ng organic farming ay mareresolba ang problema sa kagutuman at kahirapan sa bansa.

Aminado si Pangulong Aquino na malaking hamon ang climate change kaya naman hindi nagpapabaya ang kanyang administrasyon.

Aniya, hindi siya Juan Tamad na naghihintay na malaglag ang bunga sa lupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply