PNoy tumulak na pa-Indonesia para sa ASEAN Summit

BUMIYAHE na ngayong umaga si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III papuntang Bali, Indonesia para dumalo sa 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit hanggang Nobyembre 19. 2011.

Kahapon (Nobyembre 16) sana ang nakatakdang biyahe ng Pangulo pa-Indonesia ngunit kinansela sa dahilan na hindi naman sinabi ng Palasyo.

Eksakto ala-otso ng umaga nang lumipad ang  Presidential plane na sinakyan ng Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Sa departure speech ng Pangulo, sinabi niya na buo ang kanyang tiwala na magiging tagumpay at kapakina-pakinabang ang dadaluhang pagpupulong.

Ayon sa Pangulo, layunin ng pagpupulong na mapagtibay ang pagkakaisa ng mga miyembrong kasapi ng ASEAN para sa mas matatag at mas maunlad na rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply