PNoy tutulak sa Indonesia bukas para ASEAN Summit

BUKAS na bibiyahe patungong Indonesia si Pangulong Benigno Aquino III para sa 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa nasabing bansa.

Ngayong araw sana ang nakatakdang pag-alis ng Pangulo ngunit kinansela ito na hindi naman sinabi ng Palasyo kung ano ang dahilan.

Bago ito, tiniyak ng Malakanyang na hindi maka-aapekto o makahahadlang sa biyahe ni Pangulong Aquino ang nagaganap na bangayan ng Department of Justice at Korte Suprema kaugnay ng isyu ng pagbabawal kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply