PNoy tutungo sa Estados Unidos

NAKATAKDANG lumpiad bukas (Nobyembre 12) si Pangulong Benigno Aquino III sa Hawaii, USA upang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader Summit na idadaos sa Nobyembre 12-14 (petsa sa Hawaii).

Kasama ng Pangulo ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete na kinabibilangan nina Transportation Secretary Mar Roxas, Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario, Energy Secretary Jose Almendras at Presidential spokesperson Atty. Edwin Lacierda.

Ayon kay Pangulong Aquino, bilang pinuno ng bansa ay nais niyang tiyakin na maunlad at magkaroon ng energy efficiency ang Pilipinas.

Ito umano ang dahilan kung bakit isinama niya ang mga nabanggit na ospiyal.

Kaugnay nito, nakatakdang makita sa nasabing pagtitipon ni Pangulong Aquino si U.S President Barrack Obama.

Kabilang sa mga tatalakayin sa summit ay ang usapin sa maritime security, education, non-proliferation, disaster mitigation at food security.

Samantala, tutulak naman si Pangulong Aquino sa Indonesia para sa Asean Summit na idadaos naman sa Nobyembre 18.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply