PNP nagbabala laban sa lumalalang nakawan

NABABAHALA ngayon si Cebu Provincial Police Office Director Senior Superintendent Patrocinio Commendador kaugnay sa sunod-sunod na insidente ng nakawan sa Cebu.

Pinaaalahanan ni Commendador ang mga negosyante lalo na ang mga may-ari ng lending establishments, money changer at bangko na dagdagan ang kanilang seguridad para makaiwas sa mga magnanakaw.

Matatandan na nitong nakalipas na araw, ay tatlong magkakaibang insidente ng pagnanakaw sa isang lending collector at gasoline station ang nangyari sa Toledo City, San Fernando at Carcar kung saan nabaril ang isa sa mga biktima.

Karaniwan nang tumataas ang krimen tuwing papalapit ang Kapaskuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply