PNP naka-alerto sa pagbisita ni Hilary Clinton

TODO alerto ngayon ang Philippine Nastional Police particular na ang PNP-National Capital Regional Police Office kaugnay sa dalawang araw na pagbisita sa bansa ni US Secretary of State Hillary Clinton sa Nobyembre 15-16.

Ayon kay PNP Chief Public Information Officer P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., masinsin ang inilalatag na security blanket para sa pagdating ni Clinton.

Nabatid na partikular na tututukan ng PNP ang seguridad sa mga lugar na pupuntahan ni Clinton at naka-atang sa Presidential Security Group ang responsabilidad para sa primary security coverage at close in protection.

Tiniyak ng PNP na magiging maayos at mapayapa ang kapaligiran sa tatlong pangunahing venue na pupuntahan ni Clinton.

Kasama sa preparasyon ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa mga lugar na dadaanan ng bisita.

“Nasa labas lang tayo, outermost security unang-una yung traffic, yung lugar na pagdadausan, matahimik at walang kriminal na nakakalat. PSG ang siyang magibibigay ng primary security coverage.” paliwang pa ni Cruz

“Ang buong pwersa ng NCRPO ay magiging alerto bukas at sila po ay bibigyan ng direktiba para mag-conduct ng masinsinan beat and mobile patrol,” ani Cruz

Tiwala naman ang PNP na walang magiging problema dahil wala silang nakakalap, natatanggap, namamalayan na threat sa ating panauhin, paliwang pa ng opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply