PNP, PCG naglunsad ng search and rescue sa karagatan ng Ilocos Norte

MAGKATUWANG na ginagalugad ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang karagatang sakop ng Ilocos Norte matapos na matangap ang paghingi ng tulong ng Hong Kong Maritime Rescue Coordinating Center hinggil sa isang barko na inabandona ng kanyang mga tripulante kagabi (Nobyemre 4).

Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., nakipagugnayan ang PCG-Currimao Station na naka-base sa Ilocos Norte sa tanggapan ng  Ilocos Norte Provincial Police Office hinggil sa fax message na ipinadala ng  Hong Kong Maritime Rescue Coordinating Center.

Nabatid sa mensahe na: MV Oceanic Union /3egc6 in distress and the Captain of said vessel declared abandon ship at Latitude 19 degrees 59.7 mins North, Longitude 118 degrees 49.8 mins East or at vic 107 West Nortwest (WNW) Cape Bojeador, Burgos, Ilocos Norte.

Nagsasagawa ngayon ng coastal survey ang PCG sa ini-report na “distressed” na barko.

Sinabi ni Lt. Dennis Rapal, concurrent chief ng PCG sa lalawigan, kagabi pa nila hinahanap ang sinasabing barko na posibleng nasiraan sa gitna ng karagatan.

Ayon pa kay Rapal, ang ibinigay na point of reference ng MV Oceanic Union ay nasa 107 nautical miles ng Cape Bojedor.

Hindi pa matukoy ng Coast Guard Northern Luzon kung ilan ang sakay na tripulante at wala pa rin silang ideya kung ano na ang kalagayan ng mga sakay nito.

Nanawagan ngayon si Rapal sa mga mamamayan sa lugar na i-report sa kanila kung may impormasyon na makukuha tungkol sa sinasabing barko. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply