PNP pursigidong mahuli ang mga suspek sa Maguindanao Massacre

TARGET ngayon ng Philippine National Police (PNP) na mahuli ang lahat ng suspek sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre.

Ayon kay Chief Supt. Benito Estipona, umaasa sila na sa 2012 ay wala nang nakakalayang suspek sa Maguindanao Massacre.

Dahil dito, nanawagan din si Estipona ng suporta mula sa publiko kasabay ng pagtiyak na may makukuha ang mga tao na makatutulong para maresolba ang kaso.

Aniya, sa ngayon ay patuloy ang pagpupursige ng PNP na mahuli ang iba pang mga suspek. Hawak nila sa ngayon ang 95.

Dagdag pa ni Estipona, hindi naman kailangang mag-testify ng taumbayan, ang kailangan lang nila ay magbigay ng impormasyon sa tungkol sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply