PNP tiwalang mabibigyan ng hustisya si Ramgen Revilla

TIWALA ang Philippine National Police (PNP) na magtatagumpay ang prosekusyon at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ramgen Revilla.

Sinabi ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, na sinusuportahan nila ang imbestigasyon ng Parañaque PNP sa kaso at hindi umano ito magiging basehan ng crime situation sa bansa lalo na sa peace and order.

Hindi pa man gaanong kumpleto ang mga ebidensiya sa korte ay pinagtatagpi-tagpi na ito para sa agarang hustisya ng pagpatay ng kapatid ni Senador Bong Revilla, Jr.

Nobyembre 28 nang saksakin at barilin hanggang sa mapatay si Ramgen sa kanilang bahay sa BF Homes sa Parañaque.

Nadamay rin ang kasintahan nitong si Janelle Manahan na ngayon ay nagpapagaling sa ospital matapos na sumailalaim sa reconstructive surgery ang mukha matapos na magtamo ng saksak at tama ng bala sa mukha, balikat at dibdib.

Samantala, sinabi ni Bartolome na maituturing na isolated case lang ang celebrated cases ng mga kilalang personalidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply