POEA kinalampag sa deployment ban sa 41 bansa

KINALAMPAG ng isang senador ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pag-aralang mabuti ang suspensiyon ng deployment ban sa 41 bansa sa loob ng 90 araw upang matiyak na hindi bubuwelta ang mga ito sa Pilipinas.

Sinabi ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resource development, na ngayong sinuspinde ng POEA sa loob ng 90 araw ang deployment ban ng OFWs sa 41 bansa, dapat mapag-aralan nilang mabuti sa loob ng nasabing panahon kung nararapat lamang ang pagpapairal ng deployment ban sa 41 bansa.

Ani Estrada, mas malaki ang mawawala sa ating bansa kapag binuweltahan tayo ng 41 bansa na pinatawan natin ng deployment ban.

“Kailangang pag-aralan kasi baka buweltahan tayo,” ayon sa senador.

Giniit pa ni Estrada sa POEA na kung mangangako naman ang ibang bansa na bigyan ng proteksyon ang ating overseas Filipino workers (OFW), posibleng mapaliit pa ang bilang ng bansang papatawan ng deployment ban ng ahensiya.

“Kung puwedeng liitan yung 41 countries, eh di ok lang,” ani Estrada.

Ilang grupo ng OFWs ang umangal sa pinairal na ban ng POEA dahil lalong mabibilad sa illegal trafficking ang mga Pinoy para lamang makapasok sa mga bansang pinatawan ng deployment ban.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nangangamba sa epekto nito kung kaya’t nakiusap sila na isuspinde muna ito, kung saan pumayag naman ang POEA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply