Police station tangkang sunugin ng may sayad

NABARIL at napatay ng mga pulis ang isang lalaking may sayad nang saksakin nito ang isang pulis matapos niyang tangkaing sunugin ang isang police station sa Koronadal City.

Dead on the spot ang suspek na hinihinalang may diprensiya sa utak na kinilalang si Romeo  Asis, ng Tupi municipality, South Cotabato matapos na barilin ng mga pulis kaninang umaga.

Una rito ay tinangkang silaban ng suspek ang operation section ng Koronadal City PNP at saka nagwala.

Nabatid na makaraang maapula ang apoy ay lumabas ang suspek sa operation section office at inundayan ng saksak si PO3 Narciso subalit nakaiwas ito.

Nasaksak naman ni de Asis si PO1 Ande Nasir dahilan upang mapilitan ang mga awtoridad na barilin ang suspek.

Dinala pa sa South Cotabato Provincial Hospital ang lalaki subalit ito  ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Sa ngayon nagpapagamot pa sa ospital ang nasaksak na si PO1 Nasir.

Ayon sa report, pinayagan ng mga pulis na magpahinga sa police station ang suspek subalit bigla itong pumasok sa operation section at nagsindi ng apoy.

Kaagad na rumesponde ang Bureau of Fire kaya naapula kaagad ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply