Political asylum ni GMA itinanggi ng GODR

MARIING itinanggi ng gobyerno ng Dominican Republic na nabigyan ng political asylum si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa naturang bansa.

Ayon kay Foreign Minister Carlos Troncoso, wala silang natanggap na aplikasyon ng dating Pangulo hinggil sa paghingi nito ng asylum.

Ang naturang usapin ay matapos na ipaberipika ni Justice Secretary Leila de Lima na nagkaroon nga ng political asylum ang dating Pangulo dahil na rin sa impormasyong natanggap ng kagawaran.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pinayagan ng Department of Justice (DOJ) si GMA na makapagpagamot sa ibang bansa dahil sa haka-hakang hindi na ito babalik ng bansa upang harapin ang kaso nutong electoral sabotage.

Sa panig naman ng kampo ni Arroyo, hindi rin totoong nito lamang Oktubre nakita ang dating Pangulo kasama ang mga opisyal ng Dominican Republic embassy dahil bahagi pa raw ng 2011 ito nangyari.

Kaugnay pa rin sa hindi matapos na usapin ay nagawa namang magbanta ang mga Arroyo laban kay de Lima kung saan ipapadisbar umano ito dahil sa kanyang pahayag sa media na may political asylum ang dating Pangulo mula sa Dominican Republic. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply