Pollution watchdog may paalala sa publiko

PINAALALAHANAN ng pollution watchdog na EcoWaste Coalition ang publiko na gumamit ng mga recycle materials para sa kanilang Christmas decoration ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa Eco Waste Coalition, ang pagre-recycle ay isang paraan upang makatipid sa paggastos ng kanilang pera at makatutulong pa sila sa pagbawas ng basura na kadalasang dumarami tuwing Kapaskuhan.

Ang panawagan ng grupo ay kasunod ng kanilang proyekto na inilabas sa Makati City na may temang “3B sa Pasko” na may kahulugang “Basura’y bawasan, Balik-gamitin at Baguhin ang anyo sa Pasko”

May isinagawa rin na exhibit ang grupo sa lumang Makati City Hall na nagpapakita ng mga ni-recycle na mga bagay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply