Pondo ng BI, NBI pinadadagdagan

ISINUSULONG ni Senador Panfilo Lacson sa Senado na dagdagan ang pondo ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) para mag-improve ang kanilang law enforcement assets and capabilities.

Sa interpelasyon ng proposed budget ng Department of Justice, iminungkahi ng senador na ang additional budget para sa dalawang ahensiya ay maaaring kunin mula sa cancelled allocation para sa konstruksyon ng bagong hall of justice para sa City of Manila na nagkakahalaga ng P400 milyon at ang P33 milyon ay tatapyasin mula sa pondo sa tanggapan ng kalihim ng DOJ.

“In the President’s budget message, it was mentioned that the facilities and equipment of the NBI crime laboratories and forensic investigation will be modernized and upgraded,” ani Lacson.

Ipinunto pa ni Lacson, ang pondo ng BI at NBI na P461 milyon at P842 milyon ay maliit kumpara sa budget allocations ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Binigyang-diin pa ng senador, kahit umano mas malaki ang trabaho ng PNP at AFP, kailangan din umanong ang pondo ng BI at NBI ay hindi dapat nalalayo sa pondo ng mga ito.

“Although the work force of the PNP and AFP are much bigger, funds for the BI and NBI should at least be at par and the additional allocation be commensurate to the number of their personnel and its official functions,” diin ni Lacson.

Samantala, sinabi naman ni Senador Franklin Drilon, chairman ng finance committee ng Senado at sponsor ng budget legislation, nanatili umanong bukas ang kanilang pinto para sa specific amendments ng paggagawad ng karagdagang pondo sa BI at NBI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply