Pops Fernandez, nagbebenta ng wedding gown para sa non-showbiz hunk papa

CERTIFIED businesswoman na pala ang ating Concert Queen na si Pops Fernandez. Base sa balita ay nakikita raw ito sa Congress at nagbebenta ng isang uri ng chemical na pangontra sa Dengue. Pagkatapos nasulat naman sa isang Panghapong tabloid (hindi sa Remate) na nagdedesign na rin daw ng gown si Pops at ang specialty nito ay wedding gown na kanyang ibinibenta sa halagang 15,000. At dahil kilala siya ay maraming buyers ang singer-actress turned enterpreneur.

Anyway, roon sa mga nagsasabing laos na si Pops, hindi pa rin naman daw dahil mabenta pa rin naman ito sa mga corporate shows at shows sa abroad at provinces. Pero bakit ba kailangang kumayod pa nang kumayod ni Pipay (palayaw ni Pops)? Well, may batang-batang non-showbiz hunk Papa raw itong karelasyon na ang sabi ay masyadong maluho raw. Naku! Kaya naman pala hindi feel ng mga anakis nito na sina Robin at Ram ‘yung lalake sa buhay ngayon ng kanilang mother dear ay dahil hustler pala ito. Pero wala
naman silang magawa dahil labs na labs nga raw ito ng kanilang Mommy Pops.

Kabaligtaran naman itong ex Papa Martin ni Pipay dahil di ito gumagastos sa kanyang mga nagiging Mama, noh? Kuripot gyud!

Wonder Gays May Two-Nights Repeat Concert Sa The Library Makati

Dahil sa dinumog ang May Nag Tweet, Harharhar! concert ng Wonder Gays sa Zirkoh, Tomas Morato last Oct. 18, nag-decide ang manager ng grupo na si Mama Lito de Guzman na bigyan ng repeat ang mga alaga lalo pa’t marami ang mga nag-si-send ng e-mail sa kanilang LDG Office na nagri-request na mapanood uli ang Wonder Gays. At bongga dahil two nights bale ang repeat concert ng nasabing All-Gay Singing Group at this time, mapapanood sila sa The Library Malate this November 30 and December 1.

Sisiguraduhin daw ng sikat na grupo na mag-eenjoy ang kanilang audience dahil may mga bago na naman silang ipakikita sa show kasama ng kanilang mga guest hunks na sina Polo Ravales, Frank Garcia, Aaron Villena, Rowell Quizon,at ang the Man na kinabibilangan nina Avin Fortuna at Dennis Coronel. Kasama rin sa kanilang mga special guest sina Milagring, Luningning at Mariposa with Jeanette Joaquin and Blanktape. At siyempre hindi mawawala ang bagong bini-build-up na Young Diva talent ni Mama Lito, ang mega rich na si Raia Quiroz.

By the way, ‘yung Blind Item na carrier single ng Wonder Gays ay certified gold
record na at fully-booked na sa kaliwa’t-kanang show ang mga bading hanggang February next year. Para sa inyong tickets, tawag na sa LDG Productions sa mga numerong 441-1276 at 413-6791 o kaya ay magtext sa 0923-8997172 and look for Ms. Maricon or Connie.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply