Pormang callboy sa tayo at tindig!

MAY bagong alaga si Niel de Guia, manager ni Jake at ito ay mula sa angkan ng mga astig sa industriya, si Victor Silayan, apo ng the late Vic Silayan at pamangkin ng late actress na si Chat Silayan, our Bb. Plipinas who placed fourth runner-up in the Ms. Universe of years ago.

Malaking pressure sa kanya ang mapabilang sa angkan ng dugong artista kaya he’s doing his best para hindi naman siya kahiya-hiya sa expectations ng mga tao sa kanya.

Nagsimula kay Zoren Legaspi sa Paparazzi ang tanong kung handa na ba itong gumanap na bading o gumawa ng gay indie movie. As expected, hindi pa siya handa at hindi ito ang linya na kanyang tatahakin sa pagiging artista.

Inulit namin ang tanong sa kanya sa red carpet launch ng isang soap kung saan isa siya sa cast. Ayon sa kanya, it’s too early to portray such role. Gusto muna nitong magkagawa ng marka na magpapatunay na isa siyang magaling na aktor bago niya pag-iisipan ang ganu’ng role.

We even asked him if he could do a role similar to that of Brokeback Mountain na sinuklian niya ng malakas na ‘No! gayung coming from a group of press noon sa Paparazzi, pormang call boy siya sa pananamit at sa tindig.

“My stylish kasi ang nag-suggest noon, na gan’un ang isuot ko. I just followed,” his ready answer to the question.

Gud luck!

***

DAPAT gumawa ng panibagong ingay si Jake Cuenca para tuluy-tuloy pa rin ang curiousity ng mga bayot o ng masa sa kanya as a whole. Kung hindi ay tiyak mapag-iiwanan siya sa ‘kangkungan’ ng medyo kahawig niyang si Paulo Avelino.

Halatang wala nang init si Jake dahil sa poor showing sa nakaraang kick off party ng Philippine Fashion Week kung saan isa siya sa celeb model ng Bench. Wala nang dating at kahit siguro, naka-brief o magpakita ng puwet which he used to do in Bench major shows, ‘osla’ na ang ganitong gimik. Hindi na mabenta para sa kanila ni Wendel Ramos.

Honestly, hindi na siya tinilian and not even a sound of hands clapping sa kanyang pagrampa in that said event. Isa lang siguro ang puwedeng mai-discribe rito, lumalangoy na siya sa ‘laos-yan deep.

But look at Paulo Avelino, it’s his winning moment. Mula nang nag-ober da bakod sa Kapamilya, tuluy-tuloy ang kanyang projects at left and right talaga. Marami’ng nagpapalagay tuloy na after Jake, Coco Martin at JM de Guzman, siya na ba ang flavor of the season sa kalalakihan?

Ang ganda ng kanyang exposure sa “100 Days to Heaven” dahil no less than Philip Salvador ang kanyang kaeksena. Nakagugulat huh? siya agad ang leading man ni Lovi Poe sa “Aswang” ng Regal Films.

Kasama rin siya sa up-coming giant teleserye ng ABS-CBN Primetime Bida at isa pa na dapat kainsekyuran ni Jake kay Paulo ay ang pagiging leading man nito ni KC Concepcion sa isang “Maalaala Mo Kaya” episode.

Can you imagine, all these blessings happening in less than a year?

Well Jake, you better watch out, Christmas is fast-approaching and Santa Claus might not be knocking at your door, it’s Paulo’s turn and you might end up crying!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply