Potensyal na bagyo nagbabanta sa Surigao

ISANG potensyal na cyclone na isa pa lamang low pressure area (LPA) ang nagbabanta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang parte ng Visayas at Mindanao habang papalapit ito sa Surigao del Sur kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, na alas-8:00 ng umaga, ang LPA ay tinatayang nasa layong 380 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa 10:30 a.m. advisory ng PAGASA, ang LPA ay nakapaloob sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Visayas at Mindanao.

“Both weather systems will bring scattered to widespread rains over the Central and Eastern Visayas and Northeastern Mindanao which may trigger flash floods and landslides,” babala ng Pagasa.

Hindi naman sinabi ng PAGASA kung ang LPA ay magiging isang ganap na bagyo. Kung ito man ay mangyayari, tatawagin itong bagyong “Sendong.”

Samantala, sinabi ng Bicol-based weather site Typhoon2000.ph na mayroong silang graphical satellite analysis na nagsasabi na ang LPA na ito ay maaaring tumawid sa Visayas sa Martes o Miyerkules.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply