Power hike ng Meralco bubusisiin ng ERC

BUBUSISIIN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang datos na pinagbasehan sa nakaambang P0.44 kada kilowatt hour na pagtaas sa singil ng kuryente ng Meralco.

Sa pahayag ni ERC Executive Director Atty. Francis Juan, kinukuha pa lamang nila ang mga datos kabilang na ang draft report ng market assessment group na nagsa-summarize ng naging trading noong nakalipas na buwan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang komisyon sa iba pang grupo ng market operators para suriin ang galaw ng mga generator sa panahong nagkaroon ng kakulangan sa suplay at kung anong nangyari kung bakit nagkaroon ng pagtaas sa presyuhan sa merkado.

Pero hindi pa masabi ni Juan kung kailan matatapos ang kanilang pag-aaral.

Nilinaw ni Juan na hindi dumaan sa ERC ang planong power rate increase ng Meralco dahil puwede namang i-adjust ng mga distribution utility ang generation charge nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply