Powers ni De Lima sa HDO kinapon ni Santiago

HINDI na makapoporma si Justice Secretary Leila de Lima sa walang patumanggang pagpapalabas ng hold departure order sakaling maisabatas ang panukalang inihain ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na kumakapon sa kapangyarihan ng Department of Justice sa ganitong larangan.

Nitong Huwebes, inihain ni Santiago ang Senate Bill No. 3069 na inaatasan ang Department of Justice na mag-aplay sa Regional Trial Court para sa pagpapalabas ng HDO laban sa sinumang akusado na isinasailalim sa preliminary investigation.

Sakaling maisabatas, sinabi ni Santiago na awtomatikong lulusawin nito ang DOJ Circular No. 41 na ginamit ni De Lima upang mapigilan ang dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa.

“DOJ Circular No. 41, which allows the Secretary of Justice to motu proprio restrict a person’s constitutional right to travel upon the filing of a criminal complaint, opens the doors for political harassment and oppression,” paliwanag ni Santiago.

Sinabi pa ni Santiago na kasabay nito, hindi dapat payagan na suwayin ng akusado ang rule of law at iwasan ang paglilitis sa pamamagitan ng pagbiyahe sa ibang bansa kapag naisakdal ang kaso laban sa sinuman,

“May minanang kapangyarihan ang korte na magpalabas ng HDO,” giit ng senador.

“This power is indispensable in upholding the integrity of our institutions and ensuring that our people maintain faith and respect for the rule of law. Absent such power, our laws may be ignored with impunity and public safety compromised by an accused who can simply go to another country to evade prosecution and arrest,” paliwanag pa ng mambabatas.

Sinabi pa ni Santiago na kapag inatasan ng batas ang DOJ na kumuha ng kautusan mula sa korte sa pagpapalabas ng HDO, mabibigyan ng sapat na kapangyarihan ang DOJ na tuparin ang tungkulin nito sa paghahabol na hindi sinasagkaan ang karapatan ng bawat isa na makapagbiyahe.

Base sa panukala ni Santiago, walang HDO na ipapalabas nang hindi dinidinig at may paunang abiso sa taong pinatutungkulan ng HDO.

Sakaling magkaganito, magpapalabas naman ang korte ang HDO na magiging epektibo sa loob ng 30 araw kapag naisilbi ang abiso sa pinatutungkulan ng pagbabawal sa pagbiyahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply